White Vote and Nancy Binay! @nancybinay

10_1 BINAY

Facebook / Twitter

From her website:

Lumaki sa public service si Nancy Binay, ang panganay na anak ni Vice President Jejomar Binay.

“Bata pa lang kami, isinasama na kami ng aming tatay kapag may hearing sya sa mga kaso ng human rights na hinahawakan nya. Kasama rin kami kapag dumadalaw sya sa mga ikinulong noong martial law dahil lumaban sila sa diktadurya,” sabi ni Nancy, na gradweyt ng Tourism sa University of the Philippines-Diliman.

Nang hiranging Mayor ng Makati ang kanyang ama ni dating Pangulong Cory Aquino at nang ihalal makailang-beses ng mga taga-Makati, naging bahagi ng buhay ni Nancy at kanyang mga kapatid ang pakikisalamuha sa mga karaniwang tao na pinaglilingkuran ng kanyang ama.

“Nasanay na kami na kumakausap at tumutulong sa mga tao, lalo na ang mga naghihikahos.  Yan ang buhay na kinagisnan namin,” dagdag nya.

Isang doktor naman ang kanyang ina na si dating Makati Mayor Ellen Binay at naaalala ni Nancy na madalas syang isama nito sa mga public health centers.

Dito, mga kababaihan ang pangunahing ginagamot ng kanyang ina na isang gynecologist.  At dito rin nalaman ni Nancy ang mga kaso ng mga sanggol na inaabandona ng kanilang mga magulang.

“Nakakalungkot ang ganitong mga pangyayari.  Kaya rin siguro isa sa mga unang gusto kong tulungan ay mga batang inaabandona,” aniya.

Kaya’t nang yayain ng isang kaibigan na magbukas ng isang bahay ampunan, hindi nagdadalawang isip si Nancy na sumali.  Ang naging bunga nito ay ang Bright Halls Children’s Foundation, Inc., isang foster care center para sa mga sanggol na iniwanan ng kanilang mga magulang.

“Ang inaalagaan namin ay mga sanggol mula 0 hanggang 2 years old.  Nagbibigay kami ng temporary home hanggang sa sila ay maampon.  Kakayanin namin na mag-alaga ng hanggang 20 sanggol, pero sa ngayon, inaasikaso muna namin ang 5 na nasa aming pangangalaga,” sabi nya.

“Isa rin akong ina, at alam kong mahirap magpalaki ng bata.  At alam ko rin kung gaano kahalaga na lumaki ang isang bata sa isang pamilya na minahal sya.  Kasama ako sa iba pang mga foundation pero malapit sa aking puso ang Bright Halls dahil malapit sa akin ang mga bata,” sabi ni Nancy.

Bahagi rin si Nancy sa board of trustees ng Bigay Pagmamahal Foundation, na nagbibigay ng college scholarship sa mga kabataan ng Makati mula sa mahihirap na pamilya, at sa Serbisyong Tunay Foundation, na sya naming nagbibigay ng livelihood at iba pang assistance sa mga taga-Makati.

Apat ang anak ni Nancy, at sanay sya na maraming bata sa bahay.  Bukod sa kaniyang pamilya, nakatira sa iisang bahay ang iba pa nyang kapatid at kanilang mga anak, kasama si Vice President Jojo Binay at ang kanilang ina.

Labingtatlo ang apo ni Vice President na nakatira sa iisang bahay, at ayon kay Nancy, hindi sila sanay sa bahay na tahimik.  “Laging masaya sa bahay, lalo na kapag nakikipaglaro sa kanyang mga apo si dad,” kwento nya.

Balak ni Nancy na isulong ang mga usaping pambata sakaling palarin sya sa darating na halalan.

“Bihira ang mga taong nabibigyan ng pagkakataong maglingkod.  At sa tingin ko naman, mas matutulungan ko ang aking ama na magawa ang kanyang mga balak para sa ating mga kababayan sa ganitong larangan.  At nariyan din ang pagkakataon na mas mabigyan ng atensyon ang karapatan at kagalingan ng mga bata.”

 

Advertisements

One comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s